Napilitan na akong bumoto simula kagabi kasi isa sa mga nominated this week si Alec. Haaaiiiissst.
Na-disappoint ako kasi he doesn’t play basketball, tapos yun pa yung naging special task ni Kuya. Pero hindi naman naka-bawas pogi points yun kahit hindi siya magaling mag-basketball. Naka-dagdag pogi points pa nga yung talagang tin-ry niya to give his best kahit alam niyang medyo dehado siya.
Siya lang ang dahilan kung bakit nagta-tyaga ako manuod ng PBB kaya gagastos ako ng load para masuportahan ko naman siya. Para sa kin, sa lahat ng mga kabataan na nasa loob ng Bahay ni Kuya this season, siya ang pinaka-deserving na manalo.
BB Alec :D
Habang ipinapakita sa 24 Oras yung tungkol sa concert ni Lady Gaga, nag-comment yung nanay ko. Sabi niya, masama naman daw kasi yung mga kinakanta ni Lady Gaga. Kesyo bat daw ganyan yung itsura, mukha daw ewan, mukhang gaga. Nairita ako kahit nanay ko siya. Sorry. I mean, hindi naman ako big fan ni Lady Gaga eh. Kaya lang, hindi naman din nakikinig yung nanay ko ng mga bagong kanta ngayon, so pano niya nasabi yun diba? Kaya lang naman niya nasabi yung ganun kasi yung mga taga CBCP at kung sinu-sino pang mga maka-“Diyos” eh against kay Lady Gaga. Sarado na yung utak niya na tama ang simbahan. As always.
Sasabihin pa na, “kung buhay yung Papa mo, isa yun sa mga against dyan sa concert na yan.” Ay grabe, kating kati na ako magsalita na, “kung buhay si Papa, hindi na niya bibigyang pansin yan at mag-a-agree siya sa kin na sana sa ibang bagay na lang ibuhos yang mga protesta na yan. Maghanap na lang sana ng trabaho or ibang mas makabuluhang gawain yung mga nagpo-protest.”
O eh tignan nyo? Tuloy pa rin yung concert diba.
SARAP I’TAG NUNG NANDEDMA. :( HAHAHAHAHA
TANGINA ganyang-ganyan yung pagdadrama ko nun! Di nga lang ako ganyan kaganda hahahaha!
(via vershophobia)
Hindi na naman ako makatulog nung Thursday ng gabi hanggang Friday ng madaling araw kaya naisip kong mag-GM. GM daw pero si kuyacrush lang tinext ko wahahaha! Eniwei, mga 4am na yun. Binati ko siya ng happy birthday kahit next week pa birthday niya. Ayun, bigla niya kong tinawagan hehehe…mga 10min din kami magkausap :)
Tapos kanina, nag-msg pala siya sa kin sa FB..kaya lang nabasa ko na sa fb mobile nung papunta na ko ng church for the anticipated mass. Tinawagan ko siya kasi naka-superunli ako pero di niya sinagot. Nung nasa SM Dasma na kami ni mama, tumawag siya pero di ko nasagot. Tinext ko siya. Tapos sakto nung pagdating ng order namin ni mama sa Greenwich tumawag siya hehehe.
Wala lang…natutuwa ako pag kausap ko siya kahit minsan nauubusan na ko ng sasabihin ko. Natutuwa lang talaga ako na close pa rin kami hindi katulad nung isa.
| [Flash 9 is required to listen to audio.] |
It Girl by Jason Derulo
Nung isang gabi, sobrang hindi ako makatulog. As in, nakikita ko na ang liwanag ng umaga nung naramdaman ko na makakatulog na ako. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit inaatake na naman ako ng insomnia. Siguro kasi…paulit-ulit kong naaalala yung mga nakita ko sa Facebook niya.
Pakshet.
So anyway, habang ako ay nakatulala at pinipilit na mahuli ang antok, may mga gawa-gawang eksena na unti-unting nabubuo sa isip ko. Bat kaya ganun, pag nakahiga ka na at gusto mong matulog, saka ka naman nakakaisip ng mga bagay bagay na gusto mong i-blog o isulat sa papel? Eksenang pampelikula o pang-teleserye yung nabuo sa utak ko. Pwedeng-pwedeng ipang-Tween Hearts o MMK o pang KDrama. Ganito daw un:
*******************************************************************
Nasa mall si Kate kasama ang kaibigang si Patty. Nagyayang mag-lunch si Patty sa Greenwich kaya pumunta sila dun. Pagpasok nila ay nakita niya si Mark na kumakain, kasama ang girlfriend nito. Nuon lang niya nakita si Mark after almost 6 months ng hindi paguusap at nuon lang din niya nakita ang girlfriend nito. Aktong lalabas na sana ng fastfood si Kate ngunit bigla siyang nakita ni Mark at tinawag siya.
Kate: [shit..awkward naman kung aalis ako] oh hi! (sabay smile) long time no see (smile din sa girlfriend ni Mark)
Mark: Si Tina nga pala, girlfriend ko. Baby, si Kate, ka-team ko dati.
Tina: hi! ikaw pala yun…minsan kasi nababanggit ka ni Mark sa kin..kaw daw yung bestfriend niya?
Kate: ah talaga? sabi nga niya bestfriend niya ko…kahit hindi ko siya bestfriend hahaha! workmates kayo? (ngiti ulit)
Mark: recently lang siya na-hire. teka, sinong kasama mo?
Kate: ay sorry! si Patty nga pala..girl, siya yun o. yung nag-add sa yo sa FB, feeling friends hehehe..hay nako add ka ng add di mo naman pala makikilala pag nakita mo na in person. (harap kay Tina) alam mo yang taong yan, in-add mga personal friends ko! feeling close eh
Mark: haha..sorry di ko nakilala. dito ba kayo kakain? tabi na kayo sa min.
Kate: uhm…(tingin kay Patty, at nagkaintindihan na) actually..nagbago na isip namin. baka mag-Bonchon na lang or Pizza Hut kami. tsaka nakakahiya naman sa inyo..istorbo lang kami sa date nyo. sige Mark, we’ll go ahead. nice to meet you Tina (ngiti sabay wave kay Tina) alis na kami.
Mark: uhmm..wait. (sabay baling kay Tina) baby may sasabihin lang ako ha? sandali lang.
inihatid ni Mark sila Kate at Patty sa labas ng Greenwich.
Mark: (kay Patty) pwede magusap lang kami saglit (hinila si Kate sa may railings) kamusta ka na?
Kate: well as you can see, buo pa naman ako. hindi ako tumaba at hindi ako pumayat, at naka-salamin pa din ako. ano bang sasabihin mo? (sarcasm smile)
Mark: galit ka pa rin ba? i mean…hindi kita ma-text or ma-msg sa fb kasi alam ko galit ka pa din. hindi ko tuloy nasabi sa yo..
Kate: na ano? na may gf ka na? well hindi mo naman dapat sabihin sa kin. nakikita ko naman sa fb eh. at kung galit ako sa yo? oh please, wala naman sa yo yun diba, kung galit ako sa yo? sino ba ako sa yo? hindi naman ako importante.
Mark: alam ko na sinabi ko sa yo na ikaw ang unang makakaalam pag nagka-gf ako—
Kate: (interrupting) alam ko rin naman na imposibleng mangyari yun so don’t worry. at siguro dapat, balikan mo na rin yung girlfriend mo dahil hindi magandang iwanan mo siya dun. mamaya mapag-selosan na naman ako ng walang dahilan.
Mark: hindi naman siya katulad ni ex. at tingin ko maiintindihan naman niya na bestfriend kita kaya ganito-
Kate: kahit na. at please lang. wag mong sabihin na bestfriend mo ko. malinaw naman na hindi yun totoo.
Mark: anong ibig mong sabihin? Kate, namiss kita. alam ko ang dami kong utang sa yo pero-
Kate: Mark, stop. ayoko na marinig yang mga ganyan. namiss mo ko? pero hindi mo ko kayang itext or i-msg? kung talagang namiss mo ko at bestfriend mo ko kakausapin mo pa din ako kahit ang alam mo eh galit ako. pero hindi mo ginawa di ba? ni hindi mo naisip na baka may nangyari na sa kin at baka kailangan kita? ay shet -
Mark: sorry na. ang dami ko ng utang sa yo
Kate: dito ka muna. kailangan kong makausap ang girlfriend mo (sabay pasok sa Greenwich)
Kate: Hi! (sabay upo sa harap ni Tina) kakausapin lang sana kita, kaya sabi ko kay Mark dun muna siya sa labas. (ngiti)
Tina: (awkward na ngiti)
Kate: anyway, gusto ko lang sabihin na…friends lang kami ni Mark. sana hindi mo ko mapag-selosan gaya ng ex niya. wala naman kasing dahilan talaga para pagselosan ako or what. siguro naman..bago pa naging kayo, nakita mo na kung gaano talaga siya ka-friendly, or sweet sa mga friends niyang girls? ganun lang talaga siya. minsan maloko, ay hindi, madalas pala. topakin din. matagal na kaming magkakilala kaya halos alam ko na ugali niya. at for sure malalaman mo din yun. I hope mahaba ang pasensya mo, kasi grabe yun pag tinopak. magastos din yan, kaya sana maturuan mo siya pano mag-save. haha teka bat ko ba sinasabi sa yo to? i’m sure malalaman mo rin naman to habang tumatagal relationship niyo. pero yun nga, sana hindi mo siya sasaktan..or masasaktan na gaya ng ginawa ng ex niya. he doesn’t deserve to be treated like that…kasi siya yung tipo ng taong iti-treat kang parang prinsesa habang magkasama kayo. anyway…yun lang. hindi naging kami..friends lang talaga. kaya yun..please lang, take care of him.
Tina: (nakabawi na sa pagkagulat) salamat. uhm…may mga naikwento na rin si Mark tungkol sa yo. nabanggit nga niya na may namimiss na siyang bestfriend na naging anghel niya dati…ikaw pala yun. (smile) kung friends lang naman talaga, walang dahilan para mapagselosan kita. salamat sa lahat ng sinabi mo. yes, i’ll take care of him. i hope we can be friends.
Kate: i’m not sure if i can promise you that, lalo pa’t di naman kami madalas magkita nyan so I don’t think we’ll see each other often din. pero sana nga, malay natin diba. (smile) thank you. alis na ko. bye (smile ulit)
Paglabas ng Greenwich, agad na lumapit si Mark.
Kate: ok na. alis na kami. bye
Mark: ite-text kita-
Kate: no need. bye Mark (sabay sakay sa escalator pataas na hila-hila si Patty)
Patty: girl! grabe ha.. anong ginawa mo? anong sinabi mo dun sa girlfriend?
Kate: (nagpipigil ng iyak) wala teh…tara na. ayaw ko na pagusapan to. lamon na lang natin..
********************************************************************
Paano nga kaya kung mangyari ang lahat ng yan??? Ay ewan. Makatulog na nga.
Nga pala…iniba ko lang ang pangalan ng mga sangkot…pero hango sila sa tunay na tao.

